Ano ang ginagawa ng California upang protektahan ang pag-akses sa aborsyon
Mabilis na kumilos ang California upang protektahan ang mga karapatan sa aborsyon habang binaligtad ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang Roe v. Wade. Pinoprotektahan ng California ang mga pasyente at mga tagapagkaloob sa pamamagitan ng ehekutibong aksyon, batas, pagbabago sa konstitusyon, at pamumuhunan sa badyet na mahigit $200 milyon upang palawakin ang akses sa ligtas, abot-kayang mga serbisyo.
At ang California ay patuloy na nagpapatupad ng mga bagong batas at patakaran upang higit pang protektahan ang pag-akses, mga pasyente, at mga tagapagkaloob dito at para sa mga naglalakbay sa estado para sa pangangalaga.
Pagprotekta sa mga pasyente, tagapagkaloob, at tagasuporta
- Ipinasa ng mga botante ng California ang Proposisyon 1, na tahasang isinasaad sa konstitusyon ng estado ang karapatan sa aborsyon.
- Inilabas ni Gobernador Newsom ang Ehekutibong Kautusan N-12-22 [Executive Order N-12-22](https://www.gov.ca.gov/wp-content/uploads/2022/06/6.27.22-EO-N-12-22-Reproductive -Freedom.pdf?emrc=4e1397), na:
- Ipinagbabawal sa mga ahensya ng estado na makipagtulungan sa mga aksyong aborsyon sa labas ng estado tulad ng pagpigil sa pagbabahagi ng mga medikal na rekord, datos ng pasyente at iba pang impormasyon na maibahagi ng mga ahensya ng estado bilang tugon sa mga pagtatanong o pagsisiyasat na dinala ng ibang mga estado o indibidwal sa loob ng mga estadong iyon na naghahanap upang paghigpitan ang pag-akses sa pangangalaga sa aborsyon; at
- Pinagtitibay ang isang patakaran ng pagtanggi sa mga kahilingan sa ekstradisyon sa labas ng estado na may kaugnayan sa mga legal na aborsyon sa California.
- Noong 2022, pinagtibay ng California ang ilang panukala at ginawang batas ang mga ito:
- AB 1242 ay naglalayong pigilan ang pagpapatupad ng batas at mga korporasyon sa California mula sa pakikipagtulungan sa mga entidad sa labas ng estado tungkol sa mga legal na aborsyon sa California.
- AB 1666 ay naglalayong protektahan ang mga tao o entidad sa California mula sa sibil na pananagutan para sa pagbibigay, pagtulong, o pagtanggap ng pangangalaga sa aborsyon sa estado.
- AB 2091 ay naglalayong panatilihing pribado ang medikal na impormasyon tungkol sa aborsyon, kahit na bilang tugon sa isang subpena o hiling mula sa labas ng estado.
- AB 2223 ay naglalayong protektahan ang mga tao mula sa mga kriminal at sibil na pananagutan kapag nalaglag ang pagbubuntis.
- Noong 2023, pinagtibay ng California ang ilang karagdagang mga panukala at ginawang batas ang mga ito:
- SB 345 at [AB 1707](https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/ billNavClient.xhtml? bill_id=202320240AB1707) protektahan ang mga tagapagkaloob at pasilidad sa California mula sa pagpapatupad sa California ng mga batas ng ibang estado na ginagawang kriminal o naglilimita sa pag-kses sa mga serbisyo sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan.
- AB 254 pinoprotektahan ang reproduktibo at sekswal na elektronikong datos na kasama sa mga personal na aplikasyon sa pagsubaybay sa kalusugan.
- Tinitiyak ng AB 352 tinitiyak na protektado ang mga indibidwal na elektronikong rekord ng kalusugan na nauugnay sa mga serbisyo sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan para sa mga taong naglalakbay sa California para sa pangangalaga na hindi ligal sa kanilang sariling estado.
- AB 1720 nililinaw na ang mga ultrasound ay dapat ialok sa mga lisensyadong pasilidad o ng mga lisensyadong tagapagkaloob, na naglilimita sa mga oportunidad para sa mga nakalilitong hindi-medikal na paggamit.
- Ang Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Department of Health Care Services) ay naglabas ng Lahat na Plano na Sulat (All Plan Letter o APL) 22-022 na nagpapaalala sa mga Plano sa Pinangangasiwaang Pangangalaga sa Kalusugan ng Medi-Cal (Medi-Cal Managed Care Health Plans) na dapat nilang:
- Saklawin ang pangangalaga sa aborsyon nang hindi nagpapataw ng mga hadlang sa pag-akses
- Pahintulutan ang mga naka-enroll na pumunta sa alinmang tagapagkaloob ng Medi-Cal para sa pangangalaga sa aborsyon
- Tulungan ang mga naka-enroll na makahanap ng isang tagapagkaloob ng pangangalaga sa aborsyon kung ang isang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ay hindi nag-aalok ng mga serbisyo ng pangangalaga sa aborsyon
- Magbayad sa mga tagapagkaloob ng aborsyon na wala sa network nang hindi bababa sa singil ng Medi-Cal Fee-For-Service
- Nag-isyu ang Kagawaran ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Department of Managed Health Care) ng APL 22-027 na nagpapaalala sa mga plano ng seguro na dapat silang magbigay ng napapanahong pag-akses sa kinakailangang medikal na mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan kapag ang mga miyembro ng plano ay nasa labas ng California. Kabilang dito ang pangangalaga sa aborsyon.
- Ang Kagawaran ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Department of Health Care Services) ay nagtatag ng programang pandagdag sa pagbabayad para sa mga hindi-ospital na klinika ng komunidad na nagkakaroon ng malalaking gastos na nauugnay sa pagbibigay ng mga serbisyo sa aborsyon sa mga benepisyaryo ng Medi-Cal.
- Ang Kagawaran ng Seguro (Department of Insurance) ay nag-isyu ng [Bulletin 2022-7](https://www.insurance.ca.gov/0250-insurers/0300-insurers/0200-bulletins/bulletin-notices-commiss-opinion/upload/Bulletin- 2022-7-Coverage-for-Abortion-and-Abortion-Related-Health-Care-Services.pdf) na nililinaw na:
- Ang pangangalaga sa aborsyon ay isang pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
- Dapat ding saklawin ang gamot sa pangangalaga sa aborsyon bilang bahagi ng benepisyo ng tagaseguro ng panlabas na pasyente (outpatient) sa iniresetang gamot.
- Ang mga parmasya ng California ay sertipikadong magbigay ng gamot sa aborsyon sa unang bahagi ng 2023.
- Simula sa Enero 1, 2023, ang mga tagaseguro ay hindi maaaring magpataw ng singil sa bahagi sa gastos para sa pangangalaga sa aborsyon at mga kaugnay na serbisyo o pamamahala sa paggamit o pagsusuri para sa pagsakop sa mga serbisyo ng pangangalaga sa aborsyon ng panlabas na pasyente (outpatient)
- Naglabas ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice) ng alerto sa mga mamimili na may mga hakbang na maaaring gawin ng mga tao upang mas maprotektahan ang kanilang pagkapribado kapag ina-akses ang pangangalaga sa aborsyon.
- Lumikha ang Kagawaran ng Hustisya ng bagong form ng reklamo ng mamimili para sa mga taga-California na naging biktima o na-target ng mapanlinlang, nanlilinlang, hindi patas, o labag sa batas na pag-uugali ng mga pekeng klinika (kilala din bilang mga sentro ng krisis na pagbubuntis).
- Nagbigay ang Lupon ng Parmasya (Board of Pharmacy) ng alerto sa lahat ng mga lisensyado na nagpapaalala sa kanila ng kanilang mga obligasyon sa ilalim ng batas ng estado.
- Nagbigay ang Kagawaran ng Pinamamahalaang Pangangalaga sa Kalusugan (Department of Managed Health Care) ng APL-24-004 na nagpapaalala sa mga komersyal na planong pangkalusugan na kinokontrol ng DMHC ng kanilang legal na obligasyon na sakupin ang over-the-counter na mga kontraseptibo na inaprubahan ng FDA nang walang pagbabahagi sa gastos sa mga miyembro.
- Nagpadala ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice) ng liham sa mga tanggapan ng korporasyon ng mga pangunahing hanay ng parmasya na nagpapaalala sa kanila na ang emerhensiyang kontrasepsyon ay hindi nangangailangan ng reseta o pahintulot ng magulang.
- Naglabas ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice) ng alerto sa mamimili na nagpapaalam sa mga menor de edad ng kanilang kakayahang ma-akses ng emerhensiyang kontrasepsyon nang walang reseta o pahintulot ng magulang.
- Nagbigay ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice) ng alerto sa lahat ng parmasya ng California na nagpapaalala sa kanila ng kanilang obligasyon sa ilalim ng batas ng California na magbigay ng akses sa mga menor de edad sa emerhensiyang pagpipigil sa pagbubuntis.
Pagpapalawak ng akses sa mga serbisyo
- Naglaan ang California ng mahigit $200 milyon noong 2022-23 upang suportahan ang mga taong naghahanap ng pangangalaga sa aborsyon at mga tagapagkaloob ng aborsyon sa loob ng ilang taon ng pananalapi. Ang mga pondo na ito ay:
- tumutulong sa mga naghahanap ng pangangalaga sa aborsyon kabilang ang mga gastos sa praktikal na suporta tulad ng paglalakbay, lugar na tutuluyan at iba pang nauugnay na gastos
- Sinasaklaw ang walang seguro sa pangangalaga sa aborsyon upang madagdagan ang akses, partikular sa mga komunidad na kulang sa serbisyo
- Suportahan ang mga pasilidad at tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan
- Magbigay ng pagsasanay, kurikulum, pakikisama, at pagpapatawad sa pautang upang bumuo ng magkakaibang manggagawa ng mga propesyonal sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan
- Pagbutihin ang pisikal at elektronikong seguridad sa mga pasilidad ng pangangalaga sa aborsyon
- Nagsumite ang California ng isang pederal na waiver (federal waiver) sa mga serbisyo sa reproduktibong kalusugan Seksyon 1115 para sa isang $200 milyon ($15 milyon na Pangkalahatang Pondo) na programang nagbibigay ng gawad na nakatuon sa pagsuporta sa pag-akses sa pagpaplano ng pamilya at mga kaugnay na serbisyo, pagbabago ng sistema, kapasidad, at pagpapanatili ng pangkalahatang kaligtasan ng California. Ang pagpopondo na ito ay nagpapalawak sa mga pamumuhunan ng 2022 na Batas sa Badyet (Budget Act) para sa mga serbisyo sa reproduktibong kalusugan at nagpapatuloy sa pagpapa-unlad ng California upang magkaloob ng komprehensibong pagpaplano ng pamilya at mga kaugnay na serbisyo.
- Isinapanahon ng Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Department of Health Care Services) ang mga patakaran nito upang payagan ang mga tagapagkaloob na humingi ng kabayaran para sa mga nagugol na halaga para sa mga gamot sa aborsyon sa pamamagitan ng pinalawig na 77 araw ng pagbubuntis para sa mga serbisyo. Bilang karagdagan, ang Kagawaran ay gumawa ng mga permanenteng pleksibilidad sa COVID-19, kabilang ang paggamit ng telehealth para sa paggamot na aborsyon.
- Pinagtibay ng California ang ilang mga panukala at ginawang batas ang mga ito:
- SB 245 ay tinatapos ang paniningil sa bayad sa bahagi ng gastos para sa mga serbisyo ng pangangalaga sa aborsyon.
- SB 523 ay nagdaragdag ng akses sa pagkontrol sa pagbubuntis (birth control), anuman ang kasarian o seguro.
- SB 1142 ay lumilikha ng website ng akses sa aborsyon ng California kung saan maa-akses ng publiko ang impormasyon sa mga serbisyo ng aborsyon sa estado, kasama ang paggalang sa kanilang mga legal na karapatan, mga lokasyon ng tagapagkaloob, praktikal na suporta para sa mga pasyente, at paglaban sa maling impormasyon.
- SB 1245 ay lumikha ng isang piloto sa reprudoktibong kalusugan (reproductive health pilot) sa County ng Los Angeles na tutuklas ng mga makabagong paraan at pakikipagtulungan upang pangalagaan ang akses sa pangangalaga sa aborsyon.
- SB 1375 ay nagpapalawak ng ilang mga opsyon sa pagsasanay sa aborsyon para sa mga nagpapraktis na nars (nurse practitioner) at sertipikadong komadronang nars (certified nurse-midwife).
- AB 657 ay nagpapabilis ng paglilisensya para sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na pumupunta sa California upang magsagawa ng mga aborsyon.
- AB 1918 nilikha ang Mga Pangkat ng Iskolarsyip sa Reproduktibong Kalusugan ng California (California Reproductive Health Scholarship Corps) upang mangalap, magsanay, at mapanatili ang magkakaibang mga propesyonal sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan sa mga lugar sa estado na kulang sa serbisyo.
- AB 2134 ay lumikha ng Programa California sa Pagkamakatarungan ng Reproduktibong Kalusugan (California Reproductive Health Equity Program) upang magbigay ng mga gawad sa mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay ng walang bayad na pangangalaga sa aborsyon sa mga pasyente.
- AB 2205 ay nangangailangan ng pag-uulat ng Covered California sa mga pondong ginamit upang masakop ang pangangalaga sa aborsyon.
- AB 2586 nilikha ang Pondo ng Kalayaan ng California sa Repdoduktibong Hustisya (California Reproductive Justice and Freedom Fund) upang magbigay ng mga gawad na sumusuporta sa komprehensibong edukasyon sa reproduktibo at sekswal na kalusugan, kabilang ang aborsyong pangangalaga, sa mga mas apektadong komunidad.
- AB 2626 ay ihinihinto and mga lupon ng paglilisensya (licensing board) sa pagsususpinde o pagbawi ng mga lisensya dahil lang sa isang tagapagkaloob na nagsagawa ng aborsyon.
- AB 118 ay nagdaragdag ng mga parmasyutiko sa depinisyon ng mga propesyonal sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, na nagbibigay-daan sa mga parmasyutiko ng mas maraming oportunidad sa pagsasanay sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan.
- SB 385 ay nagbibigay-daan sa wastong sinanay na mga katulong na manggagamot na magbigay ng pangangalaga sa aborsyon.
- Nagtatag ang California ng Institusyon sa Reproduktibong Kalusugan, Batas, at Patakaran (Institute on Reproductive Health, Law, and Policy) sa University of California, Los Angeles School of Law.
Pagbabahagi ng modelo ng California
- Noong Pebrero 2023, inilunsad ng California ang Alyansa sa Reproduktibong Kalayaan [Reproductive Freedom Alliance](https://www.gov.ca.gov/2023/02/21/twenty-states-announce-historic-governor-led-reproductive-freedom-alliance /), isang hindi-partisan na koalisyon ng mga Gobernador na nakatuon sa pagprotekta at pagpapalawak sa reproduktibong kalayaan—ang pinakamalaking koalisyon na naganap kailanman.
- Sa 22 mga Gobernador, ang Alyansa ay nagtutulungan upang palakasin ang reproduktibong kalayaan sa harap ng isang hindi pa naganap na pag-atake sa pag-akses sa aborsyon at iba pang mga anyo ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan.