Pagsalin ng website na ito sa ibang wika
Pinapahalagahan namin ang pagbibigay ng inclusive access sa impormasyon sa website na ito. Kasama diyan ang pag-access sa wika.
Maaaring hindi palaging malinaw o tumpak ang pagsasaling-wikang ito at ang mga pagsasalin ng browser sa ibaba. Kung mayroon kang anumang katanungan, maaaring may mga serbisyo sa pagsasaling-wika ang isang provider ng abortion.
Mga available na wika
Available ang wikang ito sa Spanish, Tagalog, Simplified Chinese, at Traditional Chinese.
Piliin ang iyong gustong wika sa kanang bahagi sa itaas ng screen para ma-access ang pagsasaling iyon.
Iba pang wika
Kung hindi available ang gusto mong wika, maraming browser ang may ganoong built-in na feature sa pagsasalin. Narito ang mga tagubilin para sa ilang sikat na browser.
Chrome
Maaari mong isalin ang mga webpage sa Chrome na hindi tumutugma sa iyong default na wika. Kasama rin sa artikulo ang mga hakbang upang baguhin ang default na wika.
Safari
Maaari mong isalin ang isang webpage sa Safari sa Mac sa isa sa iyong mga gustong wika.
Ang mga gustong wika ay itinatakda sa pamamagitan ng System preferences ng iyong Mac. May mga hakbang ang Apple kung paano baguhin ang mga Pangkalahatang kagustuhan sa Wika at Rehiyon sa Mac.
Edge
Awtomatikong itatanong ng Edge kung gusto mong isalin ang isang webpage kung hindi ito nakasulat sa iyong gustong wika. Matutunan kung paano gamitin ang Microsoft Translator sa Edge.
Mayroon ding mga hakbang ang Microsoft kung paano itakda ang iyong gustong wika at gamitin ang Edge sa ibang wika.
Firefox
Walang default na feature sa pagsasaling-wika ang Firefox. Inirerekomenda ng Mozilla, ang mga gumawa ng Firefox, na gamitin mo ang To Google Translate na extension para sa Firefox.
Kahit na walang feature sa pagsasaling-wika, maaari mong gamitin ang Firefox sa ibang wika. Ipapakita nito ang interface ng Firefox sa isang wikang pipiliin mo.