Ang iyong privacy
Naiintindihan namin na maaaring gusto mong panatilihin ang iyong privacy tungkol sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na nakukuha mo.
Ang website na ito ay isang ligtas na lugar para makahanap ka ng impormasyon tungkol sa pagpapalaglag. Ang iyong personal na impormasyon ay hindi ise-save o susubaybayan. Bisitahin ang aming mga kundisyon ng paggamit at patakaran sa privacy upang malaman ang tungkol sa limitadong impormasyong kinokolekta namin nang sa gayon ay matiyak na gumagana nang maayos ang website.
Ang iyong karapatan sa pagkapribado sa California
Ginagarantiya ng batas ng California ang karapatan sa pagkapribado ng lahat ng tao sa California. Kabilang dito ang karapatan sa:
- Pagpapalaglag nang walang pahintulot ng sinuman
- Paghiling ng pangangalaga sa pagpapalaglag nang hindi nahaharap sa panliligalig, pagbabanta, o mga gawaing karahasan
- Protektadong personal na impormasyon para sa mga pasyente at provider
Kung nakatira ka sa labas ng California
Mahalagang protektahan ang iyong digital privacy. Makakatulong ito na pigilan ang iba sa pag-access ng impormasyon tungkol sa iyong pagpapalaglag.
Kung wala ka pang 18 taong gulang
Sa California, kung ikaw ay isang menor de edad, may karapatan kang pumayag sa isang pagpapalaglag nang mag-isa. Hindi mo kailangan ng pahintulot mula sa iyong magulang, tagapag-alaga, doktor, o sinuman.
Tawagan ang Repro Legal Helpline sa 844-868-2812 para sa payo sa mga legal na isyu sa iba't ibang estado kapag magpapalaglag bilang isang menor de edad. Maaari mo ring sagutan ang ligtas na online form na ito.
Pagbibigay-alam sa mga magulang o tagapag-alaga
Hindi maaaring ipaalam ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan sa iyong magulang, tagapag-alaga, o sinuman na sumailalim ka sa pagpapalaglag.
Ang pagbubukod ay kung ang pagbubuntis ay nagsasangkot ng pang-aabuso sa bata, kabilang ang pisikal o sekswal na pang-aabuso. Sa mga kasong iyon, dapat iulat ng provider ang pang-aabuso sa pulisya o sa mga awtoridad sa pang-aabuso sa bata. Maaaring makipag-ugnayan ang mga awtoridad na ito sa iyong magulang o tagapag-alaga.
Hindi pagpasok sa paaralan
Sa California, hindi aabisuhan ng iyong paaralan ang iyong magulang o tagapag-alaga na aalis ka sa paaralan upang magpalaglag kung magpapasya kang ibahagi ang partikular na medikal na dahilan ng iyong pagliban. Hindi rin maaaring hilingin sa iyo ng paaralan na kumuha muna ng pahintulot ng magulang o tagapag-alaga.
Matuto pa tungkol sa iyong mga karapatan bilang isang estudyante.
Impormasyon ng insurance
Kung ikaw ay nasa planong pangkalusugan ng ibang tao sa California, ang iyong impormasyon sa pagpapalaglag ay maaaring hindi pribado. Ang mga halimbawa ay kung kukuha ka ng iyong insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng iyong magulang o asawa.
Maaari kang magsumite ng Kahilingan sa Kumpidensyal na Komunikasyon sa iyong insurance provider upang:
- Panatilihing pribado ang iyong impormasyon
- Ipadala ang lahat ng komunikasyong nauugnay sa pagpapalaglag sa isang partikular na address
Digital privacy
Narito ang mga madudulugan upang matulungan kang panatilihing pribado ang iyong aktibidad online.