Mga kundisyon ng paggamit
Salamat sa pagbisita sa website na abortion.ca.gov at pagbasa sa Kasunduan sa Mga Kundisyon ng Paggamit. Sumasang-ayon ka na pinamamahalaan ng mga tuntunin ng Mga Kundisyon ng Paggamit ang iyong paggamit sa website ng abortion.ca.gov, at na pinamamahalaan din ng Patakaran sa Privacy ng Estado ng California ang iyong paggamit ng website na abortion.ca.gov. Gustong ipaalam sa iyo ng California ang tungkol sa pagkolekta, paggamit, seguridad, at pag-access sa impormasyon na nauugnay sa paggamit ng website na abortion.ca.gov. Sa pamamagitan ng pagbisita sa website na ito, tinatanggap mo ang mga patakaran at kasanayang inilalarawan sa Kasunduan sa Mga Kundisyon ng Paggamit na ito.
Pakitandaan na ang Kasunduan sa Mga Kundisyon ng Paggamit na ito ay maaaring magbago nang walang pag-abiso, at na ito ay sumasalamin sa mga kasalukuyang kasanayan sa negosyo ng estado. Ang Kasunduan sa Mga Kundisyon ng Paggamit na ito ay may petsang Setyembre 6, 2022.
Tandaan din na ang bawat departamento sa loob ng estado ay maaaring magkaroon ng mga karagdagang patakaran sa privacy at Mga Kundisyon ng Paggamit na partikular sa misyon at mga pangangailangan ng kanilang trabaho. Tiyaking suriin ang mga patakarang iyon habang ina-access mo ang mga karagdagang site sa loob ng estado.
Personal na impormasyon at pagpili
Ang "Personal na impormasyon" ay impormasyon tungkol sa isang natural na tao na nagpapakilala o naglalarawan sa isang indibidwal, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, kanyang pangalan, numero ng social security, pisikal na paglalarawan, address ng bahay, numero ng telepono sa bahay, edukasyon, mga usapin sa pananalapi, at medikal, o kasaysayan ng pagtatrabaho, na madaling magbibigay ng pagkakakilanlan ng partikular na indibidwal na iyon. Ang isang domain name o Internet Protocol address ay hindi itinuturing na personal na impormasyon; gayunpaman, ito ay itinuturing na "elektronikong kinokolektang personal na impormasyon."
Ayon sa Government Code § 11015.5., ang “elektronikong kinokolektang personal na impormasyon” ay anumang impormasyon na pinapanatili ng isang ahensya na nagpapakilala o naglalarawan sa isang indibidwal na user, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, kanyang pangalan, numero ng social security, pisikal na paglalarawan, address ng bahay, numero ng telepono sa bahay, edukasyon, mga usapin sa pananalapi, kasaysayan ng medikal o pagtatrabaho, password, electronic mail address, at impormasyong naghahayag ng anumang lokasyon o pagkakakilanlan ng network, ngunit hindi kasama ang anumang impormasyong manu-manong isinumite ng isang user sa isang ahensya ng estado, elektroniko man o nakasulat na anyo, at impormasyon sa o nauugnay sa mga indibidwal na user, na naglilingkod sa isang kapasidad ng negosyo, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga may-ari ng negosyo, opisyal, o pinuno ng negosyong iyon.
Kasama sa “elektronikong kinokolektang personal na impormasyon” na awtomatiko naming kinokolekta ang istatistikang impormasyon tungkol sa kung aling mga webpage ang binibisita mo. Kung boluntaryo kang lalahok sa isang aktibidad na humihingi ng partikular na impormasyon (ibig sabihin, pagkumpleto ng isang kahilingan para sa tulong, pag-personalize ng content ng website, pagpapadala ng email, o paglahok sa isang survey) mas detalyadong data ang kokolektahin. Kung pipiliin mong hindi lumahok sa mga aktibidad na ito, hindi makakaapekto ang desisyon mo sa iyong kakayahang magamit ang anupamang feature ng website.
Kung hihilingin ang anumang uri ng personal na impormasyon sa website o kusang-loob na ibibigay ng user, maaaring protektahan ito ng batas ng estado, kabilang ang Information Practices Act of 1977, Government Code Section 11015.5., at ang Privacy Act of 1974 ng pederal. Gayunpaman, ang impormasyong ito ay maaaring maging pampublikong rekord sa sandaling ibigay mo ito, at maaaring sumailalim sa pampublikong inspeksyon at pagkopya kung hindi man protektado ng pederal o batas ng estado.
Bukod pa riyan, ang mga departamento at ahensya ng estado ng California sa ilalim ng awtoridad ng Gobernador ay kinakailangang sumunod sa Patakaran sa Pagkapribado na maa-access din sa website na ito.
Isang espesyal na paalala tungkol sa mga menor de edad
Hindi kami nangongolekta ng personal na impormasyon tungkol sa mga menor de edad sa website na ito.
Impormasyong kinokolekta at kung paano ito ginagamit
Sa website na ito, kinokolekta namin ang:
- Bilang ng bawat pagtingin sa page na naihatid ng site na ito
- Estado na kinaroonan ng bisita ng noong tiningnan ang page
- Uri ng browser na ginamit upang bisitahin ang website na ito
- Petsa at oras ng mga pagbisita sa site
- Mga webpage o serbisyong na-access sa site na ito
Hindi namin hinahayaan ang anumang third party na magtala ng impormasyon na maaaring magbigay ng pagkakakilanlan mo.
Hindi kami nangongolekta ng:
- Anumang personal na impormasyon tulad ng pangalan, address, email address, o numero ng telepono
- Anumang elektronikong kinokolektang personal na impormasyon tulad ng iyong IP address
- Hindi kami gumagamit ng mga serbisyo ng third party na nangongolekta ng anumang personal na impormasyon
Ang impormasyon na awtomatiko naming kinokolekta o iniimbak ay ginagamit upang mapabuti ang content ng aming mga serbisyo sa web at upang matulungan kaming maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga serbisyo. Hindi ibinibigay ng impormasyong ito ang iyong personal na pagkakakilanlan at ginagamit ito para sa pangangalap ng mga istatistika ng website. Ang impormasyon na awtomatiko naming kinokolekta at iniimbak sa aming mga log tungkol sa iyong pagbisita ay makakatulong sa amin na suriin ang aming website upang patuloy na mapabuti ang halaga ng mga magagamit na materyales. Ang aming mga log ng website ay hindi kinikilala ang isang bisita sa pamamagitan ng personal na impormasyon o elektronikong nakolektang personal na impormasyon, at hindi kami nagtatangkang mag-link ng iba pang website sa mga indibidwal na nagba-browse sa website ng estado.
Pinagbabawalan ng Government Code § 11015.5.(a)(6) ang lahat ng ahensya ng estado na mamahagi o magbenta ng anumang elektronikong kinokolektang personal na impormasyon, gaya ng tinukoy sa itaas, tungkol sa mga user sa anumang third party nang walang pahintulot ng user. Ang estado ay hindi nagbebenta ng anumang “elektronikong kinokolektang personal na impormasyon.” Ang anumang pamamahagi ng “elektronikong kinokolektang personal na impormasyon" ay para lang sa mga layunin kung bakit ito ibinigay sa amin.
Ang estado ay maaaring magbigay o mamahagi ng ilang partikular na listahan at istatistikal na ulat ng impormasyong pangregulasyon gaya ng inaatas ng batas, ngunit walang personal na impormasyon ang ibebenta o ipapamahagi, at ang lahat ng nauugnay na legal na proteksyon ay malalapat pa rin sa mga website ng estado.
Paghahayag sa publiko
Sa Estado ng California, may mga ipinapatupad na batas upang matiyak na bukas ang pamahalaan at may karapatan ang publiko na i-access ang mga naaangkop na talaan at impormasyong hawak ng estado. Kasabay nito, may mga pagbubukod sa karapatan ng publiko na i-access ang mga pampublikong talaan. Ang mga pagbubukod na ito ay inilaan para sa iba't ibang pangangailangan kabilang ang pagpapanatili ng pagkapribadoi ng mga indibidwal. Ang kapwang mga batas ng estado at pederal ay nagbibigay ng mga pagbubukod.
Ang lahat ng impormasyong makokolekta sa site na ito ay magiging pampublikong rekord na maaaring siyasatin at kopyahin ng publiko, maliban kung may pagbubukod o pribilehiyo sa batas. Kung sakaling magkaroon ng salungatan sa pagitan ng Kasunduan sa Mga Kondisyon ng Paggamit na ito at ng Public Records Act, ang Information Practices Act, o iba pang batas na namamahala sa pagsisiwalat ng mga reckord, ang Public Records Act, ang Information Practices Act, o iba pang naaangkop na batas ang magkokontrol.
Personal na impormasyon
Sa ilalim ng Government Code § 11015.5., kung pipiliin mo, maaaring hindi na muling gamitin o ipamahagi ang anumang personal na impormasyong nakolekta tungkol sa iyo, basta't ipaalam sa amin kaagad. Gaya ng nabanggit sa itaas, hindi kami nangongolekta ng anumang personal na impormasyon sa webpage na abortion.ca.gov.
Seguridad
Ang estado, bilang developer at tagapamahala ng website na ito, ay gumawa ng ilang hakbang upang pangalagaan ang integridad ng mga telekomunikasyon at imprastraktura ng computing nito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa pagpapatunay, pagsubaybay, pag-audit, at pag-encrypt. Ang mga hakbang sa seguridad ay isinama sa disenyo, pagpapatupad, at pang-araw-araw na gawi ng buong kapaligiran sa pagpapatakbo ng estado bilang bahagi ng patuloy na pagtuon nito sa pamamahala sa panganib. Ang impormasyong ito ay hindi dapat ipakahulugan sa anumang paraan bilang pagbibigay ng payo sa negosyo, legal, o iba pa, o garantiya bilang palyadong patunay, sa seguridad ng impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng sinusuportahang website ng estado. Ang mga teknikal na pamantayan na namamahala sa seguridad ay ipinapatupad ng Department of Finance.
Mga link papunta sa ibang site
Ang aming website ay may mga link papunta sa mga site na sa tingin namin ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo at maaaring magbigay ng mga serbisyo. Kapag nag-link ka sa ibang site, mawawala ka na sa aming site at mapapailalim ka sa patakaran sa privacy ng bagong site.
Ang Estado ng California ay hindi tumatanggap ng pananagutan para sa content o accessibility ng mga panlabas na website o panlabas na dokumento na naka-link sa website na ito.
Ang website na ito at ang impormasyong nilalaman nito ay ibinibigay bilang pampublikong serbisyo ng Estado ng California. Ang system na ito ay sinusubaybayan upang matiyak ang wastong operasyon, para ma-verify ang paggana ng mga naaangkop na panseguridad na feature, at para sa mga maihahambing na layunin. Ang sinumang gumagamit ng system na ito ay malinaw na pumapayag sa naturang pagsubaybay. Ang mga hindi awtorisadong pagtatangka na baguhin ang anumang impormasyong nakaimbak sa system na ito, upang himasukin ang mga panseguridad na feature, o gamitin ang system na ito para sa ibang layunin ay ipinagbabawal at maaaring magresulta sa pagkakaroon ng krimen.
Limitasyon sa pananagutan
Sinusubukan ng estado na panatilihin ang lubos na katumpakan ng content sa website nito. Ang anumang pagkakamali o pagkukulang ay dapat iulat para sa pagsisiyasat.
Ang estado ay hindi gumagawa ng mga paghahabol, pangako, o paggarantiya tungkol sa ganap na katumpakan, pagkakumpleto, o kasapatan ng mga content ng website na ito at hayagang itinatanggi ang pananagutan para sa mga pagkakamali at pagtanggal sa mga content ng website na ito. Walang anumang uri ng warranty, ipinahiwatig man o ipinahayag, o ayon sa batas, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga warranty ng hindi paglabag sa mga karapatan ng third party, titulo, merchantibility, kaangkupan para sa isang partikular na layunin, at kalayaan mula sa computer virus, ang ibinibigay alinsunod sa mga content ng website na ito o ang mga hyperlink nito sa iba pang mapagkukunan sa Internet. Ang mga sanggunian o link sa website na ito sa anumang partikular na pangkomersyal na produkto, proseso, o serbisyo, o ang paggamit ng anumang trade name, pangalan ng kumpanya, o korporasyon ay para sa impormasyon at pagkakumbinyente ng publiko, at hindi bumubuo ng pag-endorso, pagrekomenda, o pagpabor sa Estado ng California, o sa mga empleyado o ahente nito.
Ang Kasunduan sa Mga Kundisyon ng Paggamit na ito ay maaaring magbago nang walang pag-abiso.
Pagmamay-ari
Sa pangkalahatan, ang impormasyong ipinapakita sa website na ito, maliban kung ipinahiwatig, ay isinasaalang-alang sa pampublikong domain. Maaari itong ipamahagi o kopyahin ayon sa pinahihintulutan ng batas. Gayunpaman, ang estado ay gumagamit ng naka-copyright na data (hal., mga larawan) na maaaring mangailangan ng mga karagdagang pahintulot bago ang iyong paggamit. Upang magamit ang anumang impormasyon sa website na ito na hindi pagmamay-ari o ginawa ng estado, dapat kang humingi ng pahintulot nang direkta mula sa mga nagmamay-ari (o may hawak) na pinagkunan. Ang estado ay dapat na may walang limitasyong karapatang gamitin para sa anumang layunin, nang walang anumang bayad, ang lahat ng impormasyong isusumite sa pamamagitan ng site na ito maliban sa mga pagsusumite na ginawa sa ilalim ng hiwalay na legal na kontrata. Ang estado ay dapat na malayang gamitin, para sa anumang layunin, ang anumang ideya, konsepto, o pamamaraan na nakapaloob sa impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng site na ito.
Ang Estado ng California ay hindi nagmamay-ari, nagpapanatili, o walang karapatang muling bigyan ng lisensya ang proprietary California abortion finder search, na lisensyado sa estado ng abortionfinder.org. Mangyaring makipag-ugnayan sa abortionfinder.org para sa anumang katanungan tungkol sa dataset nito.