Kalusugan at kalakasan ng katawan
Ang suporta sa emosyonal na kalusugan o pagpapalaglag ay mahahalagang salik kapag pinag-iisipang magpalaglag.
Tulong habang nagpapalaglag
Maaaring gusto mong may kasama ka kapag magpapalaglag ka o kapag pupunta sa isang appointment. Tawagan ang iyong provider para sa pagpapalaglag para malamang kung ito ay pinapayagan. Kung hindi pinapayagan ang ibang tao sa kwarto kasama mo, maaari pa rin silang sumama sa iyo at manatili sa waiting room o sa labas.
Maaari ka ring kumuha ng abortion doula na susuporta sa iyo. Matutulungan ka ng ACCESS Reproductive Justice na kumuha ng doula.
Emosyonal na suporta at suporta sa pagpapalaglag
Makakahanap ka ng personal o online na pagpapayo o pangkalahatang suporta sa pagpapalaglag.
- Makipag-usap sa iyong regular na provider ng pangangalagang pangkalusugan.
- Pumunta sa isang lokal na klinika ng pamilya.
- Nagbibigay ang Exhale pro-voice ng hindi mapanghusgang suporta pagkatapos ng pagpapalaglag, kabilang ang pakikipag-usap at pag-text.
- Nag-aalok ang All-Options Talkline ng libreng peer counseling sa mga tumatawag mula saanman sa US o Canada sa 888-493-0092.
- Makipag-ugnayan sa National Abortion Federation Hotline (telepono at chat).
- Basahin ang artikulo ng Hey Jane na ito tungkol sa suporta ng mga doula, grupo, at emosyonal na suporta.