Pumunta sa content

Pagpaplano

Narito ang ilang bagay na dapat isipin kapag nagpaplanong magpalaglag.

Paglalakbay o pangangalaga sa bata

Kung kailangan mong maglakbay upang magpalaglag, may mga organisasyong makakatulong sa iyong makahanap ng matutuluyan.

Maaaring makatulong sa iyo ang ACCESS Reproductive Justice na maghanap at magbayad para sa:

  • Matutuluyan
  • Transportasyon
  • Mga Pagkain
  • Pangangalaga sa Bata

Maaari ding makatulong sa iyo ang National Network of Abortion Funds na makahanap ng pondo na makakatulong sa iyong mga gastos sa paglalakbay.

Kung mayroon kang mga anak o iba pang dependent, humanap ng kaibigang maaaring magbantay sa kanila habang sumasailalim ka rito. Kahit na gumagamit ka ng mga tabletas sa pagpapalaglag, makatutulong na magkaroon ng taong tutulong sa iyo sa unang araw.

Humingi ng tulong

Ang hotline ng ACCESS Reproductive Justice (800-376-4636) ay nagbibigay ng suporta para sa mga taong gustong makakuha ng pangangalaga sa California. Maaari nilang sagutin ang mga tanong at ikonekta ka sa mga madudulugan.

May mga pondo na sumusuporta sa mga tao sa pagpaplano at pagbabayad para sa pagpapalaglag. Ang National Network of Abortion Funds ay may listahang pinagsunod-sunod ayon sa estado.

Makakatulong ang Repro Legal Hotline (844-868-2812) sa pagsagot sa anumang legal na tanong na may kaugnayan sa pagpaplano.

Maaari kang makakuha ng emosyonal na suporta at suporta sa pagpapalaglag sa pamamagitan ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan at mga nonprofit na grupo.