Paano magbabayad para sa pagpapalaglag
Marami kang opsyon para matulungan kang mabayaran ang gastos sa pagpapalaglag.
Pribadong insurance sa kalusugan
Kung nakatira ka sa California, sinasaklaw ng karamihan sa mga pribadong insurance ang pagpapalaglag. Sinasaklaw ng lahat ng insurance plan ng Covered California ang mga pagpapalaglag at iba pang serbisyo sa reproductive health.
Sa ilang kaso, maaaring hindi sinasaklaw ng insurance sa kalusugan na nakukuha mo mula sa iyong employer ang mga pagpapalaglag. Makipag-ugnayan sa mga taong namamahala sa iyong health coverage upang malaman kung anong mga serbisyo ang sinasaklaw nila.
Makipag-ugnayan sa iyong insurance plan upang malaman kung kailangan mong:
- Gumamit ng ilang partikular na provider
- Humingi ng paunang pahintulot mula sa iyong doktor
Kapag nagpa-appointment ka, tiyaking tinatanggap ng provider ang iyong insurance.
Insurance sa kalusugan sa labas ng estado
Alamin sa iyong plano kung sasaklawin nito ang mga serbisyo sa pangangalaga sa reproductive health na wala sa network tulad ng pagpapalaglag at paglalakbay sa California. Kung hindi, makipag-usap sa iyong provider na nakabase sa California tungkol sa kanilang mga opsyon sa pagbabayad.
Makakakuha ka rin ng tulong para sa pagbayad sa mga gastos sa pagpapalaglag.
Medi-Cal
Kung mayroon kang Medi-Cal, maaari kang makakuha ng pangangalaga sa pagpapalaglag at iba pang serbisyo sa reproductive health mula sa alinmang provider ng pangangalaga sa pagpapalaglag ng Medi-Cal nang walang bayad. Kung mayroon kang Medi-Cal na may Bahagi sa Gastos, maaaring kailanganin mong magbayad para sa bahagi ng iyong pangangalaga sa pagpapalaglag. Tanungin ang iyong provider para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga responsibilidad sa Bahagi ng Gastos.
Hindi mo kailangang humingi ng paunang pahintulot mula sa iyong doktor. Kung kailangan mo ng inpatient na pananatili sa ospital, ang ospital ay kukuha ng anumang pag-apruba na kailangan.
Medicaid sa labas ng estado
Kung mayroon kang Medicaid sa ibang estado, maaaring hindi saklaw ng iyong plano ang mga pagpapalaglag. Makipag-ugnayan sa plano ng iyong estado upang malaman kung sinasaklaw nila ang mga pagpapalaglag at serbisyo sa labas ng estado. Kung sinasaklaw, makipag-usap sa iyong provider tungkol sa mga opsyon sa pagbabayad.
Makakakuha ka rin ng tulong para sa pagbayad sa mga gastos sa pagpapalaglag.
Walang insurance
Kung nakatira ka sa California, may mga programang makakatulong sa iyo kung wala kang insurance:
- Ang Presumptive Eligibility for Pregnant Women Program ay nag-aalok ng pansamantalang saklaw ng Medi-Cal para sa pangangalaga habang nagbubuntis, kabilang ang mga pagpapalaglag. Ang programang ito ay available sa lahat ng taga-California. Hindi mo kailangang magbigay ng ID o patunay ng paninirahan kapag nag-apply ka.
- Matutulungan ka ng Covered California's Medi-Cal for Pregnancy tool na malaman kung anong mga opsyon sa Medi-Cal ang karapat-dapat para sa iyo.
Kung hindi ka makagamit ng insurance, maraming provider ang nag-aalok ng libre o may diskwentong serbisyo o mga plano sa pagbabayad. Makipag-ugnayan sa iyong piniling provider upang matulungan ka nilang makuha mo ang mga serbisyong kailangan mo, anuman ang iyong kakayahang magbayad.
Makakuha ng tulong para sa pagbayad sa mga gastos sa pagpapalaglag
Makakakuha ka ng tulong upang bayaran ang pagpapalaglag o bayaran ang mga kaugnay na gastos, tulad ng paglalakbay at matutuluyan.
Matutulungan ka ng mga hotline na ito na malaman kung ano ang available sa iyo:
Makakakita ka ng mga listahan ng mga pondo sa pagpapalaglag ayon sa estado sa:
Maaari ka ring makipag-usap sa iyong provider tungkol sa pinansiyal na suportang inaalok nila at mga organisasyong kanilang pinagtatrabahuhan.
Kung nagkakaproblema ka sa pag-access sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang mga serbisyo ng pagpapalaglag, makipag-ugnayan sa California Department of Managed Health Care. Maaari ka ring magsumite ng mga reklamo sa California Department of Insurance.