Pumunta sa content

Mga mag-aaral sa Unibersidad ng California

Para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng California na naghahanap ng mga serbisyo sa gamot sa pagpapalaglag, sundin ang mga tagubilin, gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinigay para sa iyong kampus.

Hakbang 1: Ihanda ang iyong student ID number

Makakatulong din na malaman ang petsa ng iyong huling regla at ang petsa ng kamakailang regla na hindi dumating. Okay lang kung hindi mo alam ang mga ito.

Hakbang 2: Tawagan ang iyong student health center

Hanapin ang numero para sa iyong campus.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa sentro ng kalusugan ng campus

UC Berkeley

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (510) 642-2000
Para sa karagdagang suporta: (510) 643-7197

UC Davis

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (530) 752-2300
Para sa karagdagang suporta: (530) 752-2349

UC Irvine

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (949) 824-5301(option 3)

UCLA

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (310) 825-4073 (option 2)
Para sa karagdagang suporta: (310) 794-5691

UC Merced

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (209) 228-2273
Para sa karagdagang suporta: (209) 500-6483

UC Riverside

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (951) 827-3031
Para sa karagdagang suporta: (951) 234-0602

UC San Diego

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (858) 534-3300
Para sa karagdagang suporta: (858) 534-3300

UC San Francisco

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (415) 476-1281

UC Santa Barbara

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (805) 893-3371

UC Santa Cruz

Pangunahing linya ng mga serbisyong pangkalusugan: (831) 459-2500
Para sa karagdagang suporta: (831) 459-2591

Hakbang 3: Sundin ang script

Kumusta, ako ay mag-aaral sa [iyong campus] at ako ay buntis/posibleng buntis at ayaw kong maging buntis. Gusto kong mag-iskedyul ng appointment para sa mga serbisyo sa gamot sa pagpapalaglag. Anong mga appointment mayroon kayo? Naiintindihan ko na ang karamihan sa mga plano ng seguro (insurance plan) sa California (kabilang ang UC SHIP) ay sasakupin ang gamot ng pagpapalaglag nang wala akong babayaran, hangga't natatanggap ko ang mga serbisyong ito mula sa isang tagapagkaloob sa aking network ng plano ng seguro. Maaari mo ba akong tulungan na mag-iskedyul ng appointment o matukoy kung saan ko makukuha ang mga serbisyong ito nang libre?

Hakbang 4: Mag-iskedyul ng appointment

Pumili ng oras na maginhawa para sa iyo. Ang iyong student health center ay makakapag-refer sa iyo sa ibang mga tagapagkaloob kung ang mga oras at araw na mayroon sila ay hindi angkop para sa iyo.

Hakbang 5: Puntahan ang iyong naka-iskedyul na appointment

Huwag mag-atubiling magdala ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya na sumusuporta. Uminom ng 2 iniresetang gamot sa pagpapalaglag at sundin ang ibinigay na mga tagubilin pagkatapos ng pangangalaga. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong sentrong pangkalusugan ng mag-aaral pagkatapos kung mayroon kang mga tanong, anumang alalahanin sa kalusugan, o gusto ng karagdagang mga panunubaybay na serbisyo. Gamitin ang iyong legal na karapatang tumanggap ng mga serbisyo sa gamot ng pagpapalaglag sa iyong campus.