Tungkol sa pagpapalaglag
Ang pagpapalaglag ay isang pamamaraang tumatapos sa pagbubuntis. Ito ay isang pangkaraniwan at ligtas na pamamaraan kapag ginawa ng isang kwalipikadong provider ng pangangalagang pangkalusugan.
Kung iniisip mong magpalaglag, hindi ka nag-iisa. Batay sa data noong 2014, humigit-kumulang 1 sa 4 na tao sa US na maaaring mabuntis ang nagpapalaglag sa edad na 45. 60% ng mga taong nagpalaglag ay mayroon nang mga anak.
Ano ang pagpapalaglag
Ang pagpapalaglagay isang medikal na paggagamot na tumatapos sa pagbubuntis. Maaari din itong tawaging pagtapos sa pagbubuntis.
Ang pagpapalaglag ay maaaring may kasamang pag-inom ng mga tabletas o pagsailalim sa karaniwang pamamaraang medikal sa isang klinikang pangkalusugan. Ang uri ng pagpapalaglag na mayroon ka ay maaaring depende sa iyong kagustuhan, anumang kondisyong medikal na mayroon ka, at yugto ng iyong pagbubuntis.
Matuto pa tungkol sa mga uri ng pagpapalaglag na available.
Mga yugto ng pagbubuntis
Ang pagbubuntis ay nahahati sa tatlong yugto na tinatawag na trimester.
- Ang isang trimester ay tumatagal nang 12 hanggang 14 na linggo.
- Ang unang trimester ay magsisimula sa unang araw ng iyong huling regla.
Mahalaga ang timing kapag nagpapasya na magpalaglag. Kung mas maaga ang iyong yugto ng pagbubuntis, mas maraming uri ng pagpapalaglag ang maaaring maging available para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa kung kailan ka maaaring magpalaglag.
Mga uri ng mga provider
Ang mga lisensyadong doktor, nurse, sertipikadong nurse midwife, nurse practitioner, at physician assistant na may maayos na pagsasanay ay maaaring magbigay ng pangangalaga sa pagpapalaglag sa California.
Paano makakuha ng serbisyo ng pagpapalaglag
Kung pipiliin mong magpalaglag, narito ang isang pangunahing plano na maaari mong sundin:
- Suriin ang iyong mga legal na karapatan sa pagpapalaglag at mga karapatan sa pagkapribado.
- Alamin ang unang araw ng iyong huling regla.
- Alamin ang tungkol sa mga uri ng pagpapalaglag.
- Gamitin ang Panghanap ng serbisyo ng pagpapalaglag sa California upang maghanap ng provider na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan.
- Iiskedyul ang pagpapalaglag at simulan ang pagpaplano, kasama ang paraan ng pagbabayad.
- Gawin ang pagpapalaglag at simulan ang iyong pangangalaga matapos ang pagpapalaglag. Kung mayroon kang kondisyong medikal, kausapin ang iyong doktor tungkol sa pangangalaga pagkatapos.
- Huwag kalimutang bantayan ang iyong kalusugan at kalakasan sa kabuuan ng iyong pagpapalaglag. Makipag-ugnayan sa iyong provider kung kailangan mo ng karagdagang pangangalaga.
Pangangalaga pagkatapos magpalaglag
Bibigyan ka ng iyong provider ng detalyadong impormasyon kung ano ang aasahan at kung paano pangangalagaan ang iyong sarili pagkatapos ng iyong pagpapalaglag. Ang pangangalaga sa iyo pagkatapos ng pagpapalaglag ay nakadepende sa iyong uri ng pagpapalaglag.
Bisitahin ang Pag-aalaga sa iyong sarili pagkatapos ng pagpapalaglag mula sa Planned Parenthood of Michigan para sa ilang impormasyon tungkol sa pangangalaga matapos ang pagpapalaglag.